
LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ang assessment ng Masbate Police Provincial Office sa pinsala at epektong iniwan sa kanila matapos ang pananalasa ng Bagyong Opong.
Ayon kay Masbate PPO Provincial Director Police Colonel Jefferson Araojo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang mga lugar ng Mainland Masbate at Ticao Islands ang napuruhan nang husto ng malakas na hangin na nagsimula kaninang madaling araw.
Inihanda na ang mga heavy equipment at iba pang kagamitan para sa paglilinis ng mga debris na nakaharang sa mga kalsada at nangangailangan ng malaking bilang ng tauhan para sa isinasagawang clearing operation.
Karamihan kase sa mga kalsada umano ay nananatiling hindi madaanan dahil sa mga natumbang poste, mga sirang puno, natumbang linya ng kuryente at iba pang uri ng debris.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Araojo na nagpapatuloy na ang kanilang clearing operation sa lalawigan ng Masbate.