LEGAZPI CITY- Matagumpay na naibaba ang isang lalaki na umakyat sa tower ng isang radio station sa lungsod ng Legazpi.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Police Executive Master Sergeant Carlos Paña, Chief Investigator ng Legazpi City Police Station sinabi nito na nakitang umakyat ang naturang indibidwal kaninang hapon.
Agad naman aniyang rumespunde ang mga otoridad sa pangunguna ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, na nanguna sa pag-rescue sa naturang lalaki.
Matiwasay naman umanong napakiusapan ang biktima na bumaba.
Ayon sa opisyal na probema sa pamilya ang dahilan ng pag-akyat ng naturang lalaki sa tuktok ng tower.
Abangan ang buong ulat sa Bombo Radyo Legazpi o 927 kHz.