LEGAZPI CITY – Natagpuang wala ng buhay ang isang lalaki sa karagatang sakop ng Brgy. 27 Victory Village, Legazpi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Benjie Daet,Barangay Kagawad ng nasabing lugar, posibleng hindi pa matagal nang malunod ang biktima dahil hindi pa ito lumulutang sa tubig ng makita ng mga concerned citizen.

Kinilala ang biktima na si Tristan John Marinias Malaca, 23-taong gulang ng Zone 3, Brgy. Bitano at nagtatrabaho bilang kargador sa Fish Port ng naturang lungsod.

Positibo naman itong kinilala ng mga kamag-anak na pinuntahan mismo ang bangkay ng biktima.

Base aniya sa pahayag ng pamilya, nakailang na umano itong nailigtas matapos na ilang ulit na rin sinibukang magpakamatay ngunit kagabi nang wala nang natanggap na balita patubgkol dito.

Dinala ang bangkay nito sa ospital para sa kaukulang disposisyon.