LEGAZPI CITY- Kumpirmadong inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang 29-anyos na lalaking namatay matapos na masagasaan ng tren ng Philippine National Railways sa bayan ng Polangui, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Christopher Encisa, Supervisor ng Polangui Emergency Medical Services- Quick Response Team, nangyari ang insidente alas-7:30 ng gabi kahapon.

Base sa kumpirmasyon ng kasamang kapatid ng biktima pauwi na sila at malapit na sana sila sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Malapit na umano ang tren galing sa Camarines Sur at papuntang Ligao City nang atakehin ng sakit ang biktima at natumba mismo sa riles dahilan upang hindi a ito makaalis pa.

Ayon kay Encisa, nakarating naman ang kanilang team upang rumesponde ngunit negatibo na aniyang maisalba pang lalaki dahil sa nagkapira-piraso na ang katawan nito.

Kung matatadaan, nitong Hulyo lamang nang magbalik-operasyon ang naturang tren, nagkaroon naman umano ng mga abiso at clearing operations ngunit dahil sa insidente ay muling titingnan ng lokal na pamahalaan kung may mga kabahayan pa rin malapit sa riles.

Samantala, sa ngayon ay ipinapanawagan na lamang ng opisyal sa mga residente na magin alerto at alamin kung anong oras ang byahe ng tren upang maiwasan na ang paglapit sa riles at huwag ng maulit pa ang katulad na pangyayari.