LEGAZPI CITY – Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos na sunugin nito ang barangay hall sa Brgy. Salvacion, Daraga, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kapitan Justo Lumaban ng Brgy. Salvacion, mayroong nakakita sa 42 anyos na suspek na pumasok sa compound ng barangay hall bago nagkaroon ng sunog.

Napag-alaman na sinilaban nito ang mga nakatambak na sako sa labas ng barangay hall.

Mabuti na lamang umano at agad na nakita ng empleyado ng barangay hall ang sunog kung kaya mabilis na naapula ang apoy.

Ayon kay Lumaban, bago pa man ang insidente ay madalas ng sinusunog ng suspek ang kanilang tahanan tuwing ito’y nalalasing.

Kinumpirma rin ng opisyal na dating drug surrenderee ang suspek.