The National Bureau of Investigation (NBI 11) has arrested the suspect in the rape of four victims including his niece in Maragusan, Davao De Oro.

Inaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI 11) ang suspek sa panggagahasa sa apat na biktima kabilang ang pamangkin nito sa Maragusan, Davao De Oro.

Inaresto ang 30-anyos na suspek sa Ecoland, Davao City, sa bisa ng warrant of arrest.

Mahaharap siya sa 4 na bilang ng panggagahasa sa isang menor de edad.

Ayon sa NBI 11, may iba pang biktima na magsasampa ng panibagong kaso laban sa suspek.