LEGAZPI CITY – Nagpapagaling pa ngayon ang driver na naaksidente matapos na masagi ng isang bus ang minamaneho nyang tricycle sa kahabaan ng Barangay Pawa, Matnog, Sorsogon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj Volataire Jun Pedido, Officer in Charge ng Matnog Municipal Police Station, base sa imbestigasyon, parehong papuntang centro ang dalawang sasakyang nang bilang lumiko ang tricycle.
Dahil dito, naalanganin ang bus na hirit at mabilis ang pagpapatakbo kaya hindi agad nakapagpreno at nasagi ang mismong driver’s seat ng tricycle.
Sa lakas ng impact, nadala pa sa kabilang linya ang biktima na nagresulta sa pagkabali ng kaliwang paa nito.
Ani Pedido, parehong may pagkukulang at kasalanan ang dalawang driver dahil hindi muna tiningnan ng tricycle driver kung may kasunod itong sasakyan, habang ang bus driver ang mabilis ang pagpapatakbo sa kanila ng makipot at maliit na kalsada.
Paliwang ng opisyal, okupado ang tabi ng kalsada ng lahat ng mga sasakyang papasok sa Matnog Port ng manyari ang insidente.