LEGAZPI CITY – Wala nang buhay ng makita ang isang lalaki sa loob ng natupok nitong nirerentahang bahay sa barangay Cullat, Daraga, Albay.
Ayon kay SInsp. Melvin Caño, Firemarshall BFP Daraga sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, agad na rumesponde ang mga bombero nang matanggap ang impormasyon patungkol sa insidente, ngunit pagdating sa lugar malaki at kumalat na umano ang apoy.
Nakuha ang katawan ng biktima na kinilalang si Dennis Dino sa loob ng CR, kun saan pinaniniwalaang ikinulong nito ang sarili dahil sa wala nang ibang makitang ibang daan.
Paliwanag ng opisyal, nahiraoan ang mga bomberong makapasok sa nasabing bahay dahil sa naka-lovck lahat ng bintana at pinto.
Marami din umanong mga kwarto at banyo sa loob ng bahay dahilan upang hindi agad mahanap an biktima.
Napag-alaman na anim na taon na itong umuupa sa lugar at ang asawa nitong wala sa bahay ng mangyari ang insidente.
Kwento umano ng asawa ni Dino, umalis muna sya ng bahay ngunit pagbalik nya ay nakita nang nasusunog na ang kanilang tirahan.
Sa inisyal na kalkulasyon nasa P1,650,000 ang halaga ng structural damage ngunit posible pang madagdagan dahil nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang assesment.
Sa ngayon na nag-iimbestiga pa rin ang mga awtoridad ngunit malaki umano ang tyansang electrical wiring ang dahilan ng sunog.
Samantala, nanawagan si Caño sa publiko na ngayong Fire Prevention Month, hindi lang umano ang mga BFP personnel ang dapat na tumulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog kundi kailangan ng pagtutulungan.