LEGAZPI CITY- Patay ang isang lalaki sa bayan ng Bulan sa probinsya ng Sorsogon matapos na brilin ng hindi pa nakikilang suspek.


Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Police Leutenant Colonel Virgil Bibat, hepe ng Bulan Municipal Police Station, kahapon na gabi nang makatanggap sila ng report na may narinig na putiok ng baril sa lugar.


Nang rumesponde ang kanilang mga tauhan ay nakumpirma na may nangyaring insidente ng pamamaril sa boundary ng barangay Zone 5 Canipaan at Barangay Aquino.


Kung saan pinangalanan ang biktima na si “Joseph” na pauwi na sana sa tinutuluyan nitong bahay ng kanyang tiyuin.


Nabaril ang biktima sa mukha at tumagos sa batok na nagig dahilan ng agad nitong pagkamatay.


Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung saan tinitingnan ang anggulo na ang mga dati nitong nakaalitan ang nasa likod ng naturang krimen.


Samantala dahil sa insidente ay hinigpitan ng mga awtoridad ang seguridad sa lugar at pinagpatuloy ang regular na checkpoint.