A man was killed in Brgy. San Pedro, Jaro, Leyte when his cousin shot him after mistaking him for a wild boar. The victim was identified as Jun, 31 years old and a farmer, while the suspect was identified as Haping, 43 years old, both residents of the said barangay.

Patay ang isang lalaki sa Brgy. San Pedro, Jaro, Leyte nang mabaril ng kanyang pinsan matapos mapagkamalang baboy-ramo.

Kinilala ang biktima na si Jun, 31 anyos at isang magsasaka, habang ang suspek ay kinilalang si Haping, 43 anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Jaro Municipal Police Station Chief of Police PMaj. Ronald Puso, nagtungo sa kabundukan ng nasabing lugar ang biktima kasama ang dalawa pang kasamahan para manghuli ng baboy-ramo.

Pagdating nila sa bundok, nagpalit ng ruta ang biktima para mas malaki ang tsansa na makahuli sila.

Makalipas ang ilang oras, napansin ng suspek na may ingay na inakala niyang baboy-ramo kaya binaril niya ito ng improvised shotgun.

Nang abutin niya ito gamit ang kanyang baril, laking gulat niya dahil hindi ito baboy-ramo kundi ang kasama niyang si alyas Jun.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa leeg ang biktima at isinugod sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Samantala, matapos mapagtanto ng suspek na binaril niya si alyas Jun, inutusan nito ang isa pa nilang kasama na si alyas Mario na magtungo sa pulisya at sabihin ang nangyari at hihintayin niya ang pagdating ng mga pulis.

Nang dumating ang mga pulis, kusang-loob siyang sumuko sa mga awtoridad.

Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek.