LEGAZPI CITY—Patay ang isang lalaki matapos itong atakihin sa puso habang nagmamaneho at makabangga sa nakaparadang tricycle sa Barangay Libjo, Tiwi, Albay.


Ayon kay Tiwi Municipal Police Station Chief of Police Police Major Christian Brual, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang lalaking biktima ay isang 37-taong gulang at miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 5.


Sinabi ng opisyal na pagdating ng kanilang imbestigador kasama ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Tiwi sa pinangyarihan ay agad nilang sinuri ang vital signs ng biktima gayundin ang pagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) dito.


Ngunit, aniya, wala na silang nakitang vital signs sa biktima.


Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician kung saan kinumpirma rin na inatake ito sa puso.


Dagdag pa ng opisyal na ayon rin sa mga nakasaksi sa insidente, nakita nila ang biktima na nagmamaneho nang pasuray-suray na at kinain ang kabilang linya ng kalsada.


Dahil dito, nakabangga ang kanyang motorsiklo sa isang nakaparadang tricycle sa nasabing lugar.


Nang tanungin naman ang asawa ng biktima ay sinabi nitong hindi niya alam na may iniindang sakit ang kanyang mister dahil wara rin itong isinasabi sa kanya.


Samantala, wala namang ibang indibidwal ang nadamay sa naturang insidente.