LEGAZPI CITY- Naputulan ng ilang mga daliri ang isang 56-anyos na lalaki matapos itong mahagip ng tren sa EM’s Barrio sa lungsod ng Legazpi.
Nangyari ang insidente kagabi, na agad naman na narespundehan ng mga opisyal ng barangay.
Nabatid na halos madurog rin ang isang paa ng biktima dahil sa tindi ng epekto ng naturang insidente.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi mula sa barangay, nakilala ang biktima na si alyas ‘Orlando.’
Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring ginagamot ang biktima sa ospital habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kung bakit nasagasaan ng tren ang paa ng naturang biktima.