LEGAZPI CITY- Itinuturing na malaking banta ngayon para sa mga residente ng Baragay Mi-si sa bayan ng Daraga, Albay ang malaking volume ng volcanic materials na posibleng dumausdos mula sa bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Governor Noel Rosal sa pagtatanong ng Bombo Radyo Legazpi na mismong nanggaling na sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology na tila mas malaking banta na ngayon ang lahar flow kaysa sa mismong eruption ng bulkan.
Resulta ini ng halos magkakasunod na lava dome collapse pyroclastic density current.
Sinabi ng gobernador na kung sakaling makakaranas ng mga pag-ulan ang lalawigan ay posibleng dumausdos patungo sa populated area ang lahar.
Dahil dito ay nakahanda na umano ang evacuation plan para sa mga residente ng Barangay Mi-si.
Sinabi ni Rosal na kung sakaling magkaroon ng pag-ulan ay agad na iliikas ang maraming residente mula sa naturang barangay.











