LEGAZPI CITY – Binigyan ng pagpupugay ng Philippine National Police (PNP) Bicol ang labi ni Albay 1st District Congressman Edcel Lagman sa Albay matapos lumapag ang eroplanong sinasakyan nito 5:45 ng umaga sa Bicol international Airport.


Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PNP Bicol Director, PBGen Andre Dizon sinabi nito na nag deploy ang Albay Police Provincial office ng tinatayang 100 personnel para mag siguro ng siguridad mula sa arrival hanggang sa paghatid ng labi ng kongresista paputa sa kanyang residencia sa Sogod, Bacacay Albay.


Dumalo sa pagpupugay ang mismong mga anak nito na si Tabaco City Mayor Krisel Lagman at Atty Grex Lagman kasama ang ilan pang mga kaanak at mga prominenteng personalidad sa probinsya.


Samantala, mayroon ding mga tagasuporta na matyagang nag antay sa labi ng kongresista.


Maaalala na una ng sinabi ni Mayor Krisel Lagman sa Bombo Radyo na mananatili na dalawang araw ang labi ng kanyang ama sa residencia nito sa Bacacay, Albay habang ililipat sa araw ng martes sa St John the Baptist Parish Church bago muling ibalik sa Manila.