LEGAZPI CITY – Nagpasalamat ang pamilya Lagman sa mga sumusuporta sa kanila ngayong nahaharap sila sa malungkot na bahagi ng kanilang buhay.

Ito matapos ang pagpanaw ni Albay First District Representative at Liberal Party President Edcel Lagman.

Ayon sa anak nito na si Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang ama.

Nagpapasalamat ito sa suporta at pakikiramay ng kanilang mga kaanak at mga taga-suporta ng kanyang namaalam na ama.

Sa kasalukuyan, plano ng pamilya Lagman na iuwi an labi ng namayapang mambabatas sa lalawigan ng Albay sa Pebrero 2 at mamamalagi hanggang sa Pebrero 5.

Sinabi pa ng opisyal na ibabalik ito sa Manila ng dahil sa plano nilang dalhin ang labi sa Kamara kun saan siya nagsilbi ng halos 30 taon.

Ilalagak ang labi ni Congressman Lagman sa Our lady of Mt. Carmel hanggang sa idala ito sa huli niyang himlayan na nakatakda sa Pebrero 10.

Ang namaalam na kongresista ang una nang nagsilbi bilang district representative noong 1987 hanggang 1998, at muling nagsilbi noong 2004 hanggang 2013, at 2016 hanggang sa ito ay namayapa.