LEGAZPI CITY – LEGAZPI CITY – Posibleng magkaroon ng La Niña ang rehiyong Bicol kabila ng nararanasan ngayong El Niño.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jun Pantino ang weather specialist sa Catanduanes, posibleng magsimula ang malakas na mga pag-ulan sa rehiyon pagdating ng buwan ng Hunyo hanggang Hulyo.
Ito ang nakikita ng PAGASA base sa mga parametrong naitatala ngayong buwan kung saan nagkakaroon na ng mga pag-ulan kahit pa may El Niño.
Epekto umano ito ng pagsasalubong ng mainit na hangin mula sa Pacific ocean at Northeast moonson o hanging amihan na nagdadala ng mga ulap na nagpapaulan sa rehiyon.
Subalit bago pa dumating ang mga pag-ulan, payo ng eksperto na maghanda pa rin sa peak ng El Niño na posibleng maranasan sa mga buwan ng Marso, Abril asin Mayo.