LEGAZPI CITY- Nahulog ang isang kotse malapit sa may mga kabahayan sa Barangay Genitligan sa bayan ng Baras, Catanduanes.
Tinatayang nasa 8 ft ang lalim nito mula sa kalsada.
Ayon kay Baras Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office team leader Ken Edward Teston sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na human error ang nangyari sa naturang aksidente.
Ipinagpapasalamat na lamang ng opisyal na walang nadamay sa aksidente at minor injuries lamang ang tinamo ng mga sakay ng naturang kotse.
Mabuti na lamang umano na nakaalis na sa lugar ang mga naglalarong bata bago pa mangyari ang insidente.
Ayon sa opisyal na dumipensa ang driver na nawalan ito ng preno subalit ng mai-angat ang sasakyan at sinubukan ito ng mga responders ay nakina na maayos namang gumagana.
Inabot pa umano ng nasa dalawang oras bago nai-angat ang sasakyan dahil naging challenging ang kakulangan sa ekipahe.
Dahil dito ay muling nanawagan si Teston sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at siguraduhing nasa kondisyon ang mga sasakyan bago gamitin upang maiwasan ang kaparehong mga aksidente.