LEGAZPI CITY – Target ng 911 Search and Rescue Team mula sa South Korea na magtayo ng training center sa Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Provincial Social Welfare and Development Office head Eva Grageda, napagkasunduan umano ni Governor Al Francis Bichara at ng team na bumuo ng Memorandum of Understanding (MOU) pagbalik sa Korea para sa proyekto.
Napagdesisyunan ito ng grupo matapos makita ang sitwasyon ng lalawigan kaya’t nilalayong maturuan ang mga residente sa pag-manage ng emergency situations.
Sagot na rin aniya ng team ang gastos at mga materyales na gagamitin.
Dahil sampung araw na nanatili ang team sa Albay, isinakripisyo ng mga ito ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya para sa mga naapektuhan ng Bagyong Tisoy.
Kahit nakabalik na sa kanilang bansa, posibleng muling bumalik ang mga ito sa Albay sa huling linggo ng Enero.