Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang isinara ang kontrobersyal na wheelchair ramp sa EDSA.
Ito matapos ulalin ng pagpuna ang naturang wheelchair ramp dahil sa umano’y tila hindi pinag-isipan ng maayos.
Matatandaan kasi na ilang mga persons with disabilities ang nagreklamo dahil sa pagiging matarik ng naturang wheelchair ramp na mapanganib umano para sa kanila.
Ayon sa MMDA na magi-install ng wheelchair platform o lift sa naturang busway station na posible umanong tumagal ng hanggang dalawang buwan.