LEGAZPI CITY – Nakipagpartner ang isang kolehiyo sa lungsod mng Legazpi sa isang kompanya sa Singapore para sa makapagbigay ng trabaho sa mga nagtapos nilang estudyante.
Ayon kay Rosemarie Quinto – Rey ang presidente ng Southern Luzon Technological College Foundation Incorporated, parte na ng trabaho ng kanilang kolehiyo ang pagtulong sa mga alumni na makahanap ng opurtunidad at magamit ang kanilang mga napag-aralan.
Dahil dito, pumasok sa isang memorandum of agreement ang kolehiyo at ang Bossjob na isang recruitment mobile software company.
Maaaring magamit ang software ng kompanya para sa paghahanap ng trabaho dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Umaasa si Rosemarie na makatutulong ang programa upang mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga nagtapos na estudyante sa tulong ng makabagong teknolohiya.