LEGAZPI CITY- Suspendido na ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa lalawigan ng Albay.
Sa ekskusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Governor Noel Rosal sinabi nito na ang suspensyon ay kaugnay ng nararanasang malakas na mga pag-ulan sa lalawigan simula pa kaninang madaling araw.
Kaugnay nito, humingi ng dispensa ang gobernador dahil sa delay ng pagpapalabas ng abiso gayong nasa paaralan na ang karamihan sa mga mag-aaral.
Paliwanag ng opisyal na walang warning ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaya nagkaroon ng kaunting delay sa class suspension.
Dagdag pa ni Rosal na nais lamang na ingatan ng provincial government na maipit sa mga posibleng pagbaha at hindi inaasahang mga pangyayari ang mga mag-aaral.