LEGAZPI CITY – Matagumpay ang pag-uumpisa ng pagbabakuna ng COVID-vaccine sa mga edad 5 hanggang 11-anyos sa Daraga, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rural Health Unit (RHU) Daraga chief Dr. Caesar Mata, naghanda ang lokal na pamahalaan sa mga pakulo para mawala ang takot ng mga bata sa pagpapabakuna.
Maliban sa proteksyon laban sa nakakahawang virus, layon din ng LGU na mapasaya at mag-enjoy ang mga bata.
Nasa 14, 000 ang target sa master list.
Kahit pa marami na ang gustong magpabakuna, aminado rin si Mata na may mga duda pa sa pagtanggap nito.
Ikinatuwa naman ng ilang magulang ang pagbubukas na ng bakunahan.
Samantala, nag-abiso naman si Mayor Vic Perete na tuloy-tuloy din ang pagbabakuna sa iba pang age group upang maabot ang herd immunity, maliban na lamang sa Huwebes at Biyernes Santo.