Nagtapos si Filipina swimmer Kayla Sanchez sa ika-apat na pwesto sa Heat 4 ng women’s 100m freestyle sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nakapagtala ito ng 53.57 seconds, na sapat na upang ma-secure ang semifinals slot.

Nalagpasan rin nito ang kaniyang dating Philippine standard na 54.25 seconds.

Dahil dito ay pasok na sa susunod na round si Sanchez matapos mag-tie sa ika-sampung pwesto sa overall 100m Freestyle Heats.

Matatandaan na mula sa pagrepresenta ng Canada ay mas pinili ngayon ni Sanchez na maging bahagi ng Team Philippines.