LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa sa lalawigan ng Sorsogon ang kauna-unahang Provincial Responders Assessment o Rescue Olympics.
Ito ang pagtitipun-tipon ng ibat ibang Municipal at local Disaster Risk Reduction and Management Offices upang magpatibayan pagdating sa pagresponde at pagsasagawa ng rescue operations.
Nagkaroon ng ibat ibang senaryo para sa rescue operations kagaya ng urban rescue, vehicular accident, collapse structure at mass casualty rescue.
Dito ipinakita ng mga rescue teams ang kanilang mga natutokan sa mga pinagdaanang trainings at seminars, nagkaroon ng evaluation at nagbigay ng grado ang mga judges.
Itinanghal na kampiyon sa unang Rescue Olympics ang team ng Irosin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na polido an ipinakitang performance sa kompetisyon.
Ayon kay Fritzie Riva Michelena ang head ng Irosin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, labis ang pagpapasalamat at pagbati nito sa magandang performance na ipinakita ng kanilang rescue team.
Binigyang diin ni Michelena na layunin ng aktibidad na mas matuto pa ang mga rescuers at mas mapaganda ang serbisyong naibibigay sa publiko sa mga panahon na may emerhensya.