LEGAZPI CITY – Bukas at iniimbitahan ng Miss Universe Philippines-Albay ang lahat ng mga kababaihan na nais na maging beauty queen at sumabak sa international pageant na sumali sa ilulunsad na pageant sa susunod na taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gerard Magayanes ang Executive Chairman ng Miss Universe Philippines Albay, sa paparating na Nobyembre 25-26 ay magkakaroon ng screening sa mga kababaihang nais na maging kandidato at pambato ng probinsya sa naturang pageant.

Ang mga magiging qualified sa screening ay syang magiging official candidate sa Miss Universe Philippines Albay competition sa Enero, 2024.

Ayon kay Magayanes, isa ito sa mga pagbabagong ipapatupad ng Miss Universe Oganization kung saan lahat ng mga sasali sa kompetisyon ay kailangan munang mag-agi sa provincial level bago makarating sa national level at irepresenta ang Pilipinas sa international beauty pageant.

Malaking bagay umano para sa mga kababaihan na pangarap na maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe ang magkaroon ng oportunidad o tyansang maipakita ang galing.

Kaugnay nito, hinihingi ni Magayanes ang suporta ng mga Albayano lalo pang ang probinsya pinakaunang accredited partner ng Miss Universe Oganization sa Bicol.