LEGAZPI CITY- Matagumpay ang pagsasagawa ng kauna-unahang Inang Magayon Grand Marian Procession sa lungsod ng Legazpi kasabay ng pagbubukas ng Magayon Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Task Force Kalinigan Legazpi head Mark Andy Marbella, umaga pa lamang ay nakaalerto at nakabantay na ang kanilang team kasama ang Public Safety Office, Philippine National Police, Bureau of Fire Proctection asin iba pang mga ahensya kan gobyerno para sa pagbibigay ng seguridad sa mga nakisabay sa aktibidad.
Sinimulan ang prosesyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa dagat ng emahe ni Nuestra Señora de Salvacion mula sa Barangay Joroan ng Tiwi papunta sa Sawangan park ng Legazpi City.
Maraming mga deboto na sakay ng mga bangka ang nakisabay sa maritime procession na nagtagal ng limang oras.
Pagdating sa Sawangan park, ipinarada naman ang mga emahe ng Santa na mula pa sa ibat ibang lugar at dinala sa Albay Cathedral.
Ipinagapasalamat ni Marbella na sa kabila ng dagsa ng mga tawo ay wala naman na naiulat na aksidente o hindi inaasahang insidente habang naging matahimik naman ang takbo ng aktibidad.