LEGAZPI CITY – Libong katao ang nakisaya at naging bahagi ng kauna-unahang Dance Showdown sa Magayon Festival 2024 na handog ng Bombo Radyo.

Naging matagumpay at hindi naging hadlang ang maulan na panahon sa naturang aktibidad upang dagsain ng nasa 3,000 na katao.

Wala namang umuwing luhaan na mga contestants at maging ang mga audiece na sumali sa mga palaro.

Nasa 12 grupo mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ang naglaban-laban at nagtagisan ng tibay sa paghataw.

Tinanghal ang grupong MBOYs ng lungsod ng Tabaco na grand champion na nag-uwi ng P10,000 at iba pang mga premyo.

Nasungkit naman ng LMNOP na mula sa Camalig ang 1st runner at nag-uwi ng P8,000 habang ang second runner up ay ang Magnus Unos na nag-uwi ng P5,000.

Hindi naman uwuwing luhaan ang mga hindi pinalad na manalo dahil mayroon na consolation prizes na P1,000 ang bawat grupo.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng nag-kampeon na grupo dahil sa pagbibihay ng oportunidad ng Bombo Radyo na maipakita ang kanilang talento sa pagsayaw.