LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng pagbaba ng mga kaso ng rabies sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Albay Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na simula Enero hanggang Setyembre ay bumaba ng nasa 50% ang naitalang kaso ng rabies kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Paliwanag ng opisyal na malaking bagay ang nagawa ng ipinatupad na interventions ng tanggapan katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Umaasa naman ang opisyal na hindi na muling tataas ang rabies cases sa natitirang tatlong buwan ng taon lalo pa at nakapagtala na ng casualties ang lalawigan dahil sa naturang virus.
Samatala, iginiit ni Mella na malaki ang naitutulong ng pagiging responsable ng mga pet owners upang maiwasan na dumami ang mga kaso ng rabies.