Dengue cases
Dengue cases


LEGAZPI CITY – Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang ilang lalawigan sa Bicol dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay John Dominic Bolunia, RMT, Entomologist III ng DOH-Bicol, Center for Health Development, nagkaroon ng 8% na pagtaas ng kaso ng dengue sa rehiyon mula Enero ng kasalukuyang taon hanggang Abril 30.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng dengue cases sa Camarines Sur, mula sa 103 noong 2021 na ngayon ay nasa 175 na.

Sumunod ang Masbate na may 15 kaso noong 2021 at 20 ngayong taon; Albay na may 10 kaso noong 2021 at 16 ngayong taon.

Ang Camarines Norte na bagama’t nakapagtala ng 55 na kaso, bumaba na man ito kumpara sa nakaraang taon na may 83 na dengue cases.

Bumaba rin ang kaso sa Catanduanes na mula sa dating 43 ay nasa 33 na lang ngayon, maging sa Sorsogon na dating nakapagtala ng 27 na kaso na ngayon ay nasa dalawa na lang.

Ayon kay Bolunia, nakapagtala rin ng isang namatay dahil sa dengu na isang 7-anyos mula sa CamSur.

Pinaalalahanan na man ang publiko na gawin ang “four-S”, ito ay ang search and destroy mosquito-breeding sites, seek early consultations, self-protection measures, at support spraying/fogging) upang mapigilan anf pagdami ng dengue cases.