accident in Daraga

LEGAZPI CITY- Ipinagpapasalamat ng ilang mga pasahero ang naging maagap na aksyon ng kasamahan ng bus driver na inatake sa puso habang nagmamaneho kaya naiwasan ang mas malalang insidente.

Ayon sa isa sa mga sakay ng bus na si Allan Palacio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mabilis na inapakan ng kasamahan ng biktima ang preno ng bus kaya naiwasan na mahulog ang sasakyan sa bangin.

Mabuti na lamang umano at paahon ang kalsada kaya walang gaanong nadamay sa aksidente.

Matatandaan na bumangga sa poste ang pampasaherong bus pagdating sa Purok 6, Upper Sipi, Daraga, Albay matapos mawalan na ng malay ang driver nito.

Nabatid na kakaunti lamang sakay ng naturang bus na patungong Samar dahil halos mga gulay umano ang karga nito.

Dagdag pa ni Palacio na ipiagpapasalamat nila na walang nasaktan sa insidente.