The Reactionary Standby Support Force, consisting of more than 100 personnel from the Masbate Police Provincial Office (PPO), is ready for deployment to the province of Albay in case the situation of Mayon Volcano, which is currently at alert level 3, worsens.

LEGAZPI CITY – Ready for deployment na ang Reactionary Standby Support Force na binubuo ng mahigit 100 tauhan ng Masbate Police Provincial Office (PPO) sa probinsya ng Albay kung sakaling lumala ang sitwasyon ng Bulkang Mayon na kasalukuyang nasa alert level 3.

Ayon kay Police Captain Estrella Torres, Public Information Officer ng Masbate PPO, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naka-full alert sila kasama na ang iba’t ibang Police Provincial Offices sa rehiyon ng Bicol para sa posibilidad ng pag-deploy lalo na’t patuloy na nag-aalburuto ang bulkan.

Bukod sa Reactionary Standby Support Force, ipadadala rin ang search, rescue and retrieval team na binubuo ng mga trained personnel para sa disaster response at public safety operations pati na rin ang Reactionary Standby Support Force ng pulisya sa Ticao at Burias Island.

Maaaring i-deploy ang kanilang mga tauhan sa mga nagpapatuloy na border control points na pinangungunahan ng mga apektadong bayan at lungsod sa probinsya.

Ipinunto rin ng opisyal ang posibilidad ng pag-deploy ng kanilang Reactionary Standby Support Force upang magsilbing karagdagang tulong sa pulisya sa lalawigan ng Albay sa pagsubaybay at pagpapanatili ng seguridad sa gitna ng kalamidad.

Nanawagan din si Torres sa mga Masbateño na may mga kamag-anak sa Albay na agad na makipag-ugnayan sa kanila kung may impormasyon sila tungkol sa mga aktibidad ng Bulkang Mayon dahil kailangan nila ang mga ito para sa mabilis na pag-deploy ng kanilang pulisya.