LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang kapulisan sa bayan ng Tiwi sa Albay ngayong panahon na ng tag-ulan at pagpasok ng iba pang kalamidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PEMS Rebecca Arcega, information officer ng Tiwi Municipal Police Station, nagsagawa na ang pulisya sa bayan ng Showdown Inspection ng Search and Rescue (SAR) Equiment and Bluebox.
Nilalayon ng naturang aktibidad na maihanda ang mga tauhan ng disaster responses.
Ayon kay Arcega, ngayong tag-ulan at inaasahang pagpasok ng mga sama ng panahon sa bansa ay mahalang makapahanda ng maaga.
Ito ay upang maiwasan ang mga casualty o mga hindi inaasahang pangyayari.
Nanawagan naman ang mga residente na makipagtulungan at sumunod sa mga ipinapalabas na abiso ng mga awtoridad upang hindi malagay sa peligro ang buhay.