LEGAZPI CITY – Kasunod ng ginawang panunumpa ni Grex Lagman bilang bagong gobernador ng Albay, nanindigan ngayon ang kampo ni dating Governor Noel Rosal na siya pa rin ang totoong gobernador ng lalawigan.

Ayon kay Atty. Elmar Barreda, Legal Consultant ni Rosal, hindi valid ang ibinabang writ of execution ng Commission on Elections (COMELEC) dahil wala naman umanong ipinadalang written authority si DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. para sa mga nag-serve nito.

Malinaw umano ang naging kautosan ng COMELEC na ang mismong DILG secretary ang siyang magsilbi ng writ of execution kay Rosal subalit hindi ito nangyari.

Nanindigaan naman ang kampo ni Rosal na gagawin nila ang mga legal na hakbang upang i-apela ang kaso.

Matatandaang nadiskwalipika si Rosal dahil sa napatunayang paglabag sa election spending ban matapos na mamigay ng cash assistance kahit pa panahon na ng eleksyon.