The House is complying with the Supreme Court's order to submit additional information regarding the impeachment case against Vice President Sara Duterte.

Sinusunod ng Kamara ang utos ng Korte Suprema na magsumite ng karagdagang impormasyon hinggil sa kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House of Representatives spokesperson Atty. Princess Abante, natanggap na ng Kamara ang resolusyon ng Korte Suprema kaugnay nito at ini-refer na ito sa Office of the Solicitor General.

Ang hakbang ng Korte Suprema ay bilang tugon sa petisyon na inihain ni Vice President Sara at ng kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon na kumukuwestiyon sa constitutionality at proseso ng impeachment proceedings na nasa panig na ng Senado.

Kinumpirma ni Abante na mahigpit siyang nakikipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General na nagsisilbing House counsel sa kaso.