Tiniyak ng Kamara na maipapasa sa Senado sa tamang oras ang panukala para sa 2022 national budget.

Sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na target na maisumite ang aprubadong P5.024-trillion General Appropriations Bill (GAB) sa Kamara bago ang Oktubre 27.

Ito ay upang mabigyan ng kaukulang panahon ang Senado sa pagtalakay at pagsuri sa expenditure plan ng gobyerno at mabigyan ng reconciliation ang pagkakaiba ng mga bersyon.

Nakapalaman sa naturang budget ang alokasyon para sa COVID-19 response at recovery sa susunod na taon.

Bukod pa ito sa cash for work program ng DOLE, pondo sa state universities and colleges sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at upgrade sa capabilities ng Philippine Air Force (PAF) sa pagbili ng mga bagong C-130 cargo planes.

Tinitingnang malaking tulong ito sa disaster response at pagbiyahe ng mga medical equipment at supplies ngayong pandemya.

Sakaling masunod ang schedule, posibleng maibigay na ito para sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre.