LEGAZPI CITY – Ikinatuwa ng grupo ng mga guro ang pagkakasabatas ng Republic Act 11997 o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act matapos na pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim nito ay gagawin nang P10,000 kada taon ang teaching allowance ng mga guro ng mga pampublikong paaralan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Alliance of Concerned Teachers Chairperson Vlaimir Quetua, malaking tulong ito sa mga guro na matagal nang panahon sinasagot ang gastos sa ibang mga pangangailangan sa pagtuturo.
Madadagdagan din nito kahit papano ang kalidad ng pagtuturo dahil may pambili na ng mga learning materials.
Mula sa P5,000ay magiging P10,00na ang allowance ng mga guro na pambili ng mga gamit, materyales, at mga gastos sa kanilang pagtuturo.
Ayon kay Quetua, nasa 13 taon na ipinanawagan ang pagsasabatas ng Kabalikat sa Pagtuturo Act at ngayon aniya ay narinig na ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga guro.