LEGAZPI CITY – Asahan na umano ang kakulangan ng supply kan mga karneng baboy sa Albay matapos makumpirma na may nakapasok na mga baboy na positibo sa African Swine Fever (ASF).
Una nang naideklarang “ground zero” sa ASF ang Brgy. Kilicao habang pinigilan muna ang pag-aangkat at paglalabas ng baboy at pork products sa mga barangay ng Alcala, Binitayan, Malobago at Tagas na sakop ng 1-km radius ng virus outbreak.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Daraga Mayor Victor Perete, sinabi nitong mababawasan na ang supply ng mga pork products sa lalawigan kaya’t posibleng magmahal o sumadsad ang presyo ng mga baboy sa lugar.
Kaugnay nito, nagsasagawa na rin umano ng ilang hakbang kaagapay ang Provincial Veterinary Office sa pagkontrol ng pagkalat ng naturang sakit.
Tiniyak naman ni Perete na ginagawa ang makakaya dahil maraming kabuhayan ang maapektuhan sakaling kumalat pa ang virus.
Kokonsulta rin sa Department of Agriculture (DA) sa tulong na ipapaabot sa mga apektadong barangay ng ASF.