LEGAZPI CITY- Problema pa rin hanggang sa ngayon sa lalawigan ng Sorsogon ang kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa COVID 19 para sa mga edad 5 hanggang 11 anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Jun Bolo, Provincial Health Officer ng Sorsogon, sa ngayon tatlong bayan pa lamang sa lalawigan ang nakakapagsimula ng vaccination sa nasabing age group dahil kapos pa rin sa suplay.
Mula kasi sa unang anunsyo ng gobyerno na 10,800 na doses ng COVID 19 vaccines kalahati pa lamang nito ang dumarating sa lalawigan.
Sa ngayon, inaasahan naman na madadagdagan na ang suplay sa lalawigan matapos na maipaabot na sa Department of Health at Inter-Agency Task Force ang naturang problema.