automated counting machines
automated counting machines

LEGAZPI CITY—Nanawagan ang grupong Kabataan Partylist sa Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa ng parallel manual counting kasunod ng mga aberya sa ilang automated counting machines (ACMs) noong May 12, 2025 elections.


Ayon kay Kabataan Partylist Representative Representative Raoul Manuel, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, bahagi ito ng kanilang panawagan para sa isang malinis at kapani-paniwalang resulta ng nakaraang halalan.


Aniya, na ayon sa kanilang mga obserbasyon, maaaring maraming voting precinct ang umano’y napadoble ang pagbilang ng boto.


Gayundin, ang pagka-delay na makita ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang naging resulta ng halalan, ngunit nakita na umano ito ng COMELEC.


Aniya, ang kagustuhan na magkaroon ng isang transparent halalan ay hindi natugunan ng pamantayan ng komisyon.


Dagdag pa ng kongresista na bago pa man ang halalan, ang software na na-audit at may certification ang hindi nagamit kundi iyong mismong updated version ng naturang software—na hindi alam ng mamamayan kung ano ang mga nabago rito.


Binigyang-diin niya na hindi dapat balewalain ng COMELEC ang mga obserbasyon na ito dahil ito ay nararanasan mismo ng mga tao.


Samantala, kasalukuyang pinaplano ng kanilang grupo ang mga susunod na hakbang na kanilang gagawin hinggil sa isyu.