Bicolano student killed in a car accident in Australia

LEGAZPI CITY- Nananawagan ngayon ng tulong ang kaanak ng Bicolano student na nasawi sa aksidente sa Australia upang maiuwi sa Pilipinas ang labi ng biktima.

Matatandaan na Disyembre 31 noong nakalipas na taon ng mawalan ng kontrol hanggang sa bumaliktad ang sinasakyan ng 18-anyos na si Edson Dioneda, na siyang kumitil sa buhay nito.

Sa naturang aksidente ay isa pang ginang ang nasawi habang sugatan naman ang anim na iba pa.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Denmark Suede na may hawak na student visa ang naturang biktima at posibleng hindi sakop ng medical insurance nito ang repatriation.

Aminado si Suede na malaking halaga ang kinakailangan upang maibalik sa Pilipinas ang labi ng biktima.

Nabatid na isang buwan pa lamang ang nakakalipas ng dumating sa Australia si Dioneda upang mag-aral sana ng Engineering.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa umano ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad hinggil sa aksidente habang hindi pa malinaw kung magpapaabot ng tulong pinansyal ang mga Pilipino sa naturang bansa.