©Pinterest Kim Chung Ha

SOUTH KOREA – Nasa self-quarantine ngayon ang K-Pop star na si Kim Chung Ha bilang precaution sa coronavirus disease (COVID-19).

Kasunod ito ng pagpositibo sa coronavirus ng dalawa sa mga staff na kasama ni Chung Ha sa Italy.

Nabatid na may ilang schedule si Chung Ha sa Italy kaugnay ng Milano Fashion Week at bumalik sa Korea noong Pebrero 24.

Nilagnat ang isa sa mga staff nito at matapos masuri, lumabas na positibo ito sa coronavirus.

Nagdesisyon na rin ang ilan na magpa-self quarantine, kabilang si Chung Ha kahit pawang negatibo ang lumabas sa test na isinagawa habang isa pa ang nagpositibo.

Nagpahayag rin ang staff na ikansela muna ang lahat ng schedule ng K-Pop star.

Umaasa naman ang mga fans at supporters ni Chung Ha na makakarekober rin ito agad maging ang mga staff.

Una ring nasadlak sa racism si Chung Ha habang nasa Italy dahil sa coronavirus.