Tinawag nina ACT Teachers Partylist Representative France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na hindi katanggap-tanggap at hindi patas ang naging pasya ng korte sa Tagum, Davao del Norte laban sa kanila.
Matatandaan kasi na hinatulan ang dalawa na makulong ng anim na taon dahil sa kaso nito noong 2018 na may kinalaman sa ‘endagering minors.’
Ayon sa ipinalabas na statement ninda Castro at Ocampo, sinabi nito na nagpaptunay lamang ang maling desisyong ng korte sa patuloy na pagtuligsa sa mga nakikipaglaban para sa karapatan ng mga Lumad children.
Aniya, patuloy pa rin ang pag-atake at harassment na ginagawa ng mga sundalo sa Lumad schools.
Kaugnay nito ay kinuwestyon ng dalawa ang desisyon ng naturang korte.
Maliban kina Castro at Ocampo ay sinentensyahan rin na guilty ng Tagum Regional Trial Court Branch 2 ang 11 iba pa dahil sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.