Pinatawan ng Ombudsman ng preventive suspension ang kontrobersyal na si Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ay kaugnay pa rin ng reklamong inihain ng Department of the Interior and Local Government dahil sa pinaniniwalaang pagkakasangkot ng alkalde sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore and Gaming Operator sa naturang bayan.

Layunin ng naturang suspensyon na mabigyang daan ang mas maayos na pagsisiyasat na isinasagawa ng mga kinauukulan

Matatandaan na una ng pinabulaanan ni Guo na sangkot ito sa operasyon ng POGO.