Davao Oriental quake

LEGAZPI CITY- Tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Manay, Davao Oriental alas-11:02 nitong tanghali, Enero 7, 2026.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may lalim itong 042 km at tectonic ang pinagmulan.

Naitala rin ang Intensity II sa Davao City at Instrumental Intensity IV sa Malungon, Sarangani.

Pinangangambahan na magdulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

Samantala, naramdaman na rin sa ilang mga lugar ang mga aftershocks.