LEGAZPI CITY- Kinumpirma ng Jovellar Municipal Police Station mayroong ulat na nakarating sa kanilang himpilan hinggil sa dalawang menor de edad na muntik pa umanong madukot sa Barangay Bautista sa naturang bayan.
Ayon kay Police Captain Rufino Casagan, hepe ng Jovellar Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi batay sa report ng magulang ng mga bata, sinasabing nakasakay umano sa puting van ang dalawang menor de edad ng biglang tangkain na dukutin ng mga suspek.
Matapos na mai-ulat ang insidente, agad naman na kinausap ng mga kapulisan ang magulang ng mga bata upang imbestigahan ang insidente.
Ayon sa hepe na naglalakad na pauwi ang mga bata ng biglang tumigil ang naturang van at inalok na bigyan ng pera ang mga ito.
Mabuti na lamang umano at nakatakbo ang mga bata at malapit na sa kanilang bahay kaya hindi nakuha ng mga suspek.
Dahil sa insidente, siniguro ni Casagan na naka alerto ang kanilang hepatura upang maiwasan ang kaparehong kriminalidad.