Joint Task Force Sagip Braces for typhoon Uwan in Bicol
Joint Task Force Sagip Braces for typhoon Uwan in Bicol

LEGAZPI CITY- Nakahanda na ang buong pwersa ng Joint Task Force Sagip para sa pagbibigay ng asistensya at pagtulong sa publiko kaugnay ng posibleng epekto ng bagyong Uwan sa Bicol.

Ayon kay Joint Task Force Sagip Chairman Brigadier General Ariel M. Reyes na nakahanda na ang kanilang mga tauhan at kagamitan ng 9th Infantry (Spear) Division upang magamit sa panahon ng kalamidad.

Kabilang sa mga inihanda ang communication systems, rescue equipment, at response capability.

Matatandaan na naka alerto na ngayon ang buong rehiyon lalo pa at inaasahan ang posibleng malalakas na mga pag-ulan na dulot ng naturang sama ng panahon.

Kaugnay nito ay pinapa alerto rin ng opisyal ang publiko upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.