LEGAZPI CITY – Nagbaba ng direktiba ang Department of Education (DepEd) Bicol sa mga nasasakupang school’s division office sa pagsuspinde ng pagsusuot ng dark-colored uniforms ng mga estudyante at guro.
Nilalayon ng hakbang na makontrol ang patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa rehiyon lalo pa’t lagpas na ang mga kaso sa epidemic threshold.
Paliwanag ni Deped Bicol information officer May Jumamil sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na lumalabas sa ilang pag-aaral, madalas na kagatin ng lamok ang mga nakasuot ng matitingkad na kulay na damit kagaya ng navy blue, itim, brown at iba pa.
Imbes aniyang dark-clolored, subukan ang pagsusuot ng light-colored shirts at sabayan ng mahahabang medyas.
Mahalaga rin umanong laging may dalang tubig ang mga bata at tagapagturo at manatiling hydrated na panlaban rin sa naturang sakit na makukuha sa kagat ng lamok.