LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang lalawigan ng Catanduanes sa posibleng epekto ng El Niño sa pagpasok ng buwan ng Marso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Roberto Monterola, Emergency Operations Chief ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mayroon ng mga nakahanda at isinasagawang interventions upang mapigilan o mabawasan ang epekto ng matinding tag-init.

Ayon kay Monterola, nakapag pamahagi na ng mga drought resitant crops and varieties sa mga pananim para sa mga magsasaka.

Nag-abiso na rin para sa pagsasaayos ng mga water system at water sources upang hindi magkaroon ng problema oras na maramdaman na ang epekto ng tag-init.

Tiniyak naman ng opisyal na mayroon ng back up na filtration system ang tanggapan bilang suporta sa mga mangangailangan ng malinis na maiinom na tubig.

Maging ang Department of Agriculture at Department of Health ay mayroon na rin na mga countermeasure sa pagtugon ng mga posibleng kaharapin na problema.

Umaasa si Monterola na dry spell lang ang maranasan sa lalawigan at hindi drought o tagtuyot dahil talagang hindi nakakapagtanim ang mga magsasaka.

Hindi naman umano nawawalan ng suplay ng tubig subalit nagkakaroon ng pagkaunti, kaya abiso sa mga residente na magsimula ng magtipid.