LEGAZPI CITY- Under control na ang nangyaring sunog kaninang 4:30 ng madaling araw sa Purok 1 Brgy . 34 Orosite Legazpi City.

Ayon kay Sfo4 Garry Santander, chief operation Legazpi BFP sa eksklusibong panayam g Bombo Radyo Legazpi, sa isang residential area ang pinagyarihan ng sunog kung saan nadamay ang ilan pang mga katabing bahay sa nasabing lugar.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay dahil sa gawa umano ang mga ito sa light materials.

Agad naman na nagresponde ang mga tauhan ng Legazpi Bureau of Fire Protection, Filipino Chinese Fire Volunteer at ang Legazpi City firetrucks.

Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng naturang sunog at kung ilang mga kabahayan ang natupok.

Nagpasalamat naman ito dahil walang nasaktan sa insidente.

Paalala naman ng opisyal sa publiko na manatiling maging maingat para makaiwas sa mga sunog.