A person was arrested in a buy bust operation in Barangay Maroroy, Daraga, Albay. According to Daraga Municipal Police Station Chief of Police Lieutenant Colonel Edgar Azotea in an interview with Bombo Radyo Legazpi, the operation was successful thanks to their cooperation with the Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V.

LEGAZPI CITY-Arestado ang isang 45-anyos na lalaki sa Virac Catanduanes, dahil sa iligal na droga.


Ang suspek ay isang pintor at pinaniniwalaang lulong sa droga.


Sa isinagawang drug buy bust operation ng Virac PNP, sa Barangay Magnesia del Norte nahuli siya akto na nagbebenta ng iligal na droga.


Narekober mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money, at iba pang non-drug items na may kaugnayan sa ilegal na aktibidad.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Virac Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon at laboratory examination sa mga narekober na drug items.


Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.


Patuloy din ang kampanya ng mga awtoridad laban sa iligal na droga, sugal, at iba pang ilegal na aktibidad.